Lalaki timbog sa buy bust operation sa Maynila

Arestado ang isang lalaking umanoy tulak ng droga sa Sampaloc, Manila matapos ang buy-bust operation ng mga pulis.

Hindi pinangalanan ang 23 anyos na suspek na isang dilevery boy ng online shop.

Nakuha sa suspek ang P8,000 na halaga ng droga.

Ayon sa pulisya, isang residente ang nagsumbong sa mga otoridad hinggil sa ilegal na transaksyon ng suspek.

Ilang linggong minanmanan ng pulisya ang suspek hanggang maaresto ito sa kanto ng San Jose at Lardizabal streets.

Nabatid na nakulong na dati ang suspek sa kaperehong kaso.

Hindi naman itinanggi ng suspek na nagtutulak nga siya ng droga dahil gusto lang umano nito na tulungan ang may sakit na anak.

Read more...