CBCP: Isa pang Pilipino, maaaring maging santo

Credit: CBCP News

Isa pang Pilipino, si Mother Francisca Del Espiritu Santo De Fuentes, ang maaaring maging sunod na santo matapos ideklara ni Pope Francis ang pagiging “venerable” o kagalang-galang nito.

Kinilala ng Santo Papa si Mother Francisca, founder ng Dominican Sisters of St. Catherine of Siena, dahil sa pamumuhay nito bilang Kristiyano at bayani.

Ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), kailangang may kilalanin si Pope Francis na milagro na mula o ginawa ni Mother Francisca para sa beatification nito.

Pagkatapos ng beatification ay kailangan ang isa pang himala para naman sa canonization ni Mother Francisca.

Pumanaw si Mother Francisca noong 1711 at inilibing ito sa Church of the Collegio de San Juan de Letran.

 

Read more...