Ito ay matapos na maging free agent si Leonard habang ang pagkuha kay George ay dahil sa trade ng Clippers sa Oklahoma City Thunder.
Ayon sa report, tatanggap si Leonard ng $142 million maximum contract sa Clippers.
Para naman makuha si George ay ipapalit ng Clippers ang guard nilang si Shai Gilgeous-Alexander at forward na si Danilo Gallinari sa Thunder.
Si Loenard, na pinangunahan ang Toronto Raptors sa una nitong NBA title matapos ang trade sa San Antonio Spurs noong July 2018, ay pinili ang Clippers kaysa manatili sa Raptors o kaya ay mapunta sa Los Angeles Lakers.
Sa 60 regular season games sa Raptors ay nagtala si Leonard ng average 26.6 points at 7.3 rebounds.
Si George naman ay may average na 28 points per game at 8.2 rebounds para sa Thunder noong nakaraang NBA season.