Mayor Rubiano inutos ang maayos at dagdag na mga fire hydrant sa Pasay

Credit: Baby Frank Tumacas

Inutos ni Pasay Mayor Imelda Calixto-Rubiano sa pamunuan ng Bureau of Fire Protection (BFP) na ayusin at magdagdag mga fire hydrant sa lungsod.

Pahayag ito ng Alkalde matapos malaman na sira ang fire hydrant sa Barangay 183 Villamor at hindi ito nagamit sa gitna ng sunog Sabado ng hapon.

Hiniling ni Rubiano sa DSWD na tukuyin ang mga naapektuhang pamilya sa sunong para mabigyan ang mga ito ng tulong pinansyal.

Sabado ng hapon ay natupok ang 10 bahay sa sunog sa Barangay Villamor.

Patuloy na inaalam ng Pasay Fire Marshal kung ano ang sanhi ng sunog at kung magkano ang halaga ng mga nasunog na ari-arian.

 

Read more...