Ayon kay Batan, ang Sumitomo-MHI-TESP ang gagawa sa MRT-3 Rehabilitation, kung saan kasama rito ang 72 Light Rail Vehicles (LRVs), mainline tracks, power and overhead catenary systems, signaling system, communications at CCTV systems, escalators at elevators at iba pang kailangan ayusin.
Mula pa anya noong 2016 sa simula ng administrasyong Duterte ay pinag-usapan na ang plano kung paano maibabalik sa ayos ang mga major rail line ng bansa.
Tatagal aniya ng 43 na buwan ang nasabing proyekto pero dapat ang rehabilitasyon ng MRT-3 ay kailangang matapos sa unang 26 na buwan.
Humingi naman ng pasensya at tiis si Batan sa lahat ng pasahero habang inaayos ang MRT-3.