LOOK: Magkapatid na Sara at Pulong kasama ang mga nais maging Speaker

Credit: Hugpong ng Pagbabago

Nakipag-pulong ang presidential children na sina Rep. Paolo Duterte at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa mga kongresista na nais maging Speaker sa magbubukas na 18th Congress.

Sa larawan mula sa Hugpong ng Pagbabago, makikita ang magkapatid na Duterte kasama sina Representatives Lord Allan Velasco, Alan Peter Cayetano at Martin Romualdez.

Sa statement ni Congressman Paolo sa media, sinabi nitong naging “cordial” ang pulong kung saan tinalakay nila ang pag-unlad ng bansa.

Una rito ay umatras si Duterte sa Speakership race matapos nitong makausap ang amang si Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaan na sinabi ng Pangulo na magbibitiw siya sa pwesto kapag lumaban ang anak na si Paolo bilang Speaker ng Kamara.

Malalaman kung sino ang susunod na House Speaker bago ang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo sa July 22.

 

Read more...