Natupok ang sampung bahay sa sunog na sumiklab sa Barangay Villamor, Pasay City araw ng Sabado.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog alas 2:00 ng hapon.
Mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang mga bahay.
Nahirapan naman ang mga bumbero na agad maapula ang sunog dahil sira ang fire hydrant na malapit sa lugar.
Umabot ng ika-apat na alarma ang sunog na idineklarang kontrolado alas 3:17 ng hapon.
Wala namang naiulat na namatay o nasugatan sa sunog.
Iniimbestigahan ang pinagmulan ng sunog at ang halaga ng mga naabong ari-arian.
MOST READ
LATEST STORIES