15 kilo ng shabu, nakuha mula sa isang Chinese national

 

Inquirer file photo

Nasamsam ng mga otoridad ang tinatayang nasa limang kilo ng shabu mula sa isang Chinese national sa Makati, Linggo ng gabi.

Timbog si Xiao Min Chua alyas “Henry Ong” sa isang entrapment operations na isinagawa ng mga ahente ng Regional Anti-Illegal Drug Special Operations Group (RAID-SOTG) ng National Capital Region Police Office (NCRPO), dakong alas-9:30 ng gabi Linggo sa harap ng isang convenience store sa panukulan ng Jupiter at N. Garcia sa Bel-Air, Makati City.

Tinatayang nasa P15 milyon ang halaga ng mga drogang narekober sa kaniya ng mga undercover police agents na naka-plastik at nakatago sa kaniyang van.

Hinala ng mga pulis, bigtime drug peddler si Chua na malamang na nagsu-supply sa mga mayayaman nitong kliyente.

Bukod sa droga, narekober din ng mga pulis ang P1.2 milyong halaga ng marked money na ginamit nila para bayaran ang drogang ibinebenta nito pati na rin ang kaniyang Toyota Innova.

Ayon sa mga pulis, naninirahan si Chua sa 5th avenue sa Caloocan City.

Nahaharap ngayon sa mga kasong illegal drug possession ang sale bilang paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...