5 patay matapos makipagsagupaan sa military checkpoint sa North Cotabato

Napatay ang limang mga armadong lalaki na sakay ng isang SUV matapos makipagsagupaan sa isang checkpoint sa Barangay Inug-ug sa bayan ng Pikit, North Cotabato, Biyernes ng gabi (July 5)

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, ang napatay na mga kalalakihan ay galing sa Poblacion, Pikit at patungo sa direksyon ng Pagalungan sa Maguindanao.

Bigla umanong humarurot ang sinasakyang SUV ng mga ito sa pagdaan nila sa checkpoint habang pinapaputukan ng baril ang mga sundalong nag i-inspeksyon dito na agad namang ginantihan ng putok ng mga sundalo.

Napatay sa engkwentro limang suspek kabilang na ang isang takas umano sa provincial jail ng North Cotabato.

Iba’t ibang klase ng basyo ng bala, mga armas, granada, at rifle ang narekober ng mga kinauukulan sa crime scene.

Ilang pakete rin ng hinihinalang shabu at mga kagamitan na may kinalaman sa iligal na droga ang nakuha mula sa suspek.

Patuloy naman ang pulisya sa pag iimbestiga sa nasabing insidente.

Read more...