US pop singer na si Maggie Lindemann, inaresto sa kalagitnaan ng pagtatanghal sa Malaysia

Inilarawan ng US pop singer na si Maggie Lindemann na “living hell” ang naging karanasan nito sa bansang Malaysia.

Ito ay sa kabila ng pag-aresto ng pulisya sa 20-year-old “Pretty Girl” pop singer ng US habang nagtatanghal sa isang shopping mall sa Kuala Lumpur.

Pagdepensa naman ng hepe ng Kuala Lumpur immigration na si Hamidi Adam, wala aniyang hawak na kaukulang permit ang singer na dapat ay taglay ng isang artist upang mapahintulutang makapagtanghal sa nasabing bansa.

Ani pa ni Adam, kung nais na magtanghal ng singer sa Malaysia ay nararapat lamang na mag apply ito ng professional visit pass upang mapayagang makapagtanghal sa nasabing bansa na hindi naman sinunod ng organizer ng nasabing show at nagpatuloy padin na isagawa ang pagtatanghal.

Kinabukasan ay agad namang pinakawalan ng mga otoridad si Lindeman.

Hindi na ipinagpatuloy pa ng singer ang kanyang Asian tour dahil sa nangyaring insidente.

Read more...