Tubig sa Angat Dam nagsimula na namang bumaba

Inquirer file photo

Nabawasan na naman ang tubig sa Angat Dam sa Bulacan sa kabila ng unti-unting pag-angat nitong mga nakaraang araw.

Ayon sa Pagasa bumaba sa 161.45 meters ang antas ng tubig sa dam, base sa kanilang inilabas na impormasyon 6:00 ng umaga ng Sabado (July 6).

Mababa ito sa 161.69 meters na naitala kahapon, araw ng Biyernes (July 5).

Samantala, nakapagtala ng bahagyang pagtaas sa water level ng La Mesa Dam sa Quezon City.

Mula sa 72.31 meters Biyernes ng umaga,  tumaas ito sa 72.38 meters, as of 6:00 am ngayong araw.

Patuloy naman ang apela ng National Water resources Board sa publiko na magtipid pa rin sa paggamit ng tubig.//

Read more...