Pinoy arestado sa Canada sa pangmo-molestya ng mga bata

Arestado ang isang Filipino sa Canada dahil sa reklamong pang-aabuso sa mga bata.

Kinilala ng Toronto police ang suspek na si William Christopher Claveria, 32-anyos na nahaharap sa 22 na kaso kabilang ang sexual assault, child pornography, sexual interference, distribution of child pornography at voyeurism.

Ayon kay Detective Don Bai, hinihikayat ni Clavria ang mga kabataan na sumali sa kanilang grupo sa Word and Life Christian Assembly at Jesus Reigns Forever International Ministry.

Ang kahalayan ay kinukunan pa umano ng larawan at video ni Claveria at ina-upload sa internet sa pamamagitan ng social media.

Nakuha rin sa bahay ng suspek ang ilang mga ebidensya kabilang ang mga larawan at video kung saan makikita ang pang-aabuso sa mga bata.

Read more...