Sa impormasyon mula sa Bureau of Fire Protection – QC, nagsimula ang sunog sa isang tindahan ng de-boteng gasolina.
Isa umano sa kanilang tinitingnang sanhi ng sunog ay arson.
Ito ay dahil batay sa nakalap nilang CCTV, may isang lalaking naka-motor na may hinagis sa bahagi ng tindahan at bigla na lamang sumiklab ang apoy.
Kinailangan ng mga bumbero na gumamit ng fire suppressing chemicals para maapula ang apoy.
Tuluyang naapula ang sunog alas-2:54 ng madaling-araw.
Samantala, posibleng kasuhan ng BFP-QC ang may-ari ng tindahan na nagbebenta ng de-boteng gasolina dahil ipinagbabawal ito sa ilalim ng batas.
Aabot sa sampung pamilya ang naapektuhan ng sunog at inaalam pa ang halaga ng pinsala sa mga ari-arian.