UN probe sa drug war, panghihimasok sa bansa ayon sa Palasyo

Nanindigan ang Malakanyang na malinaw na panghihimasok sa soberanya ng Pilipinas ang imbestigasyon ng United Nations sa war on drugs ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pahayag ito ni Presidential Spokesman Salvador Panelo matapos manawagan ang Iceland sa UN Human Rights Council (UNHRC) na imbestigahan ang umanoy madugong kampanya ng gobyerno laban sa droga.

“We already made our stand. Any move that will interfere with the sovereignty of this country, the management of this country by a sitting President elected overwhelmingly by the people, to our mind is an interference with our sovereignty,” ani Panelo.

Ang problema anya ay naniniwala sa maling balita at maling impormasyon ang nagsusulong ng UN investigation.

“We already made our stand. Any move that will interfere with the sovereignty of this country, the management of this country by a sitting President elected overwhelmingly by the people, to our mind is an interference with our sovereignty,” dagdag ng Kalihim.

Nasaan anya ang balita na nasa 27,000 ang napatay sa drug war gayung sa datos ng Philippine National Police (PNP) ay 6,600 ang nasawi simula nang ilungsad ng pamahalaan ang war on drugs noong June 2016.

Read more...