Presyo ng diesel may rollback

May ipatutupad na bawas-presyo sa produktong diesel sa linggong ito.

Ito ay matapos ang tatlong sunud-sunod na linggong pagtaas sa presyo ng imported na petrolyo.

Unang magpapatupad ng rollback ang Phoenix Petroleum alas-12:00 ng tanghali ngayong Sabado, July 6.

Aabot sa P0.40 kada litro ang bawas sa diesel ng naturang kumpanya.

Samantala, inaasahang mag-aanunsyo na rin ng kanilang price adjustments sa petrolyo ang iba pang kumpanya.

Kadalasang ipinatutupad ang paggalaw sa presyo tuwing araw ng Martes.

 

Read more...