Sen. Aquilino Pimentel III bukas sa term-sharing sa house speakership

Sinabi ni Senator Aquilino Pimentel III na isa sa maaring paraan para maresolba na ang isyu sa pamumuno sa Kamara sa 18th Congress ay ‘term-sharing.’

Aniya dahil marami ang umaasa sa pinakamataas na posisyon sa Mababang Kapulungan ang ‘term-sharing’ ay maaaring maging daan para mawala na ang ‘deadlock.’

Ayon lang sa pangulo ng partido PDP-Laban kailangan na mapag-usapan ng husto ang paghahati sa termino para walang mangyaring hudasan at lokohan.

Pagdidiin pa ni Pimentel ang mahalaga na ang pagpili sa pamunuan ng Kamara ay ang tunay na kagustuhan ng mga miyembro.

Nabanggit pa nito, suportado niya ang anumang hakbangin para magkaisa ang mga miyembro ng kanilang partido sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Read more...