Korean actor Jung Hae-in, magbabalik-Pilipinas sa Setyembre

Photo grab from Wilbros Live’s Twitter account

Magbabalik-Pilipinas ang Korean actor na si Jung Hae-in sa buwan ng Setyembre.

Sa Twitter, inanunsiyo ng events promoter na Wilbros Live na magkakaroon ng fam meeting ang aktor sa September 28, 2019.

Hindi pa naman binanggit ang ibang detalye maging ang bentahan ng ticket sa fan meeting.

Huling bumisita ang 31-anyos na aktor sa Pilipinas para sa kaniyang “Smile” fan meeting sa New Frontier Theater noong July 2018.

Nakilala si Jung sa Korean drama na “One Spring Night,” “Something in the Rain,” at “While You Were Sleeping.”

Read more...