Scholarship, ibibigay ng PDEA sa mga anak ng ‘hero agents’

Nakipagkasundo ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Arellano University para sa ibibigay na scholarship grants sa mga anak ng mga namamatay na anti-drug agents sa operasyon.

Sa memorandum of agreement, maaaring makapag-aral mula elementary hanggang college ang mga anak ng mga PDEA agents sa pitong Metro Manila campus ng naturang unibersidad.

Ang educational grants ay simula ngayon taon hanggang 2023.

Ayon kay PDEA Dir. General Aaron Aquino sila ang magsusumite ng mga dokumento para patunayan na kuwalipikado na maging scholar ang bata.

Dagdag pa nito, kailangan lang din sumunod ang bata sa kanilang mga pamantayan para mapanatili nito ang kanyang scholarship.

Pinasalamatan din nito si AU Chairman and President Francisco Paulino Cayco sa pakikipagkasundo sa kanila para sa magandang kinabukasan ng mga anak ng kanilang mga nasawing ahente.

Read more...