Paggamit ng cellphones ng mga gov’t workers pinalilimitahan ng Civil Service Commission

Inirekomenda ni Civil Service Commission (CSC) Commissioner Aileen Lizada sa mga opisyal ng gobyerno at lokal na pamahalaan na magkaroon ng polisiya para sa paggamit ng cellphone ng kanilang mga kawani sa oras ng trabaho.

Paliwanag ni Lizada batid niya na magkakaiba ang mandato ng mga ahensiya ng gobyerno at lokal na pamahalaan kaya’t maaring hindi magkakatulad ang gagawing panuntunan.

Aniya maaring gawin ay magpalabas ng kanya-kanyang memorandum ang mga tanggapan ng gobyerno.

Dagdag pa nito, sa ganitong paraan hindi magkakaroon ng pangit na impresyon ang mamamayan na nangangailangan ng serbisyong-publiko.

Samantala, nagpasabi na si Interior Sec. Eduardo Ano na pag-aaralan nila ang mungkahi ng CSC, gayundin ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Read more...