Ayon kay Atty. Jacqueline Ann De Guia, spokesperson ng CHR, dapat maging mapanuri at nakasandig sa katotohanan ang mga pag-uusap ukol sa muling pagpapataw ng parusang kamatayan.
Dagdag pa nito, kapag muling nagkaroon ng ‘capital punishment,’ lalabagin ng Pilipinas pakikipagkasundo sa Second Optional Protocol ng International Covenant on Civil and Political Rights.
Pumirma si dating Pangulong Arroyo sa kasunduan noon 2007 at ito ang naging daan ng kamatayan ng parusang bitay sa Pilipinas.
Paliwanag pa ni de Guia, naniniwala sila na ang bawat krimen ay dapat may katapat na parusa ngunit hindi dapat labagin ang karapatan na mabuhay.
Hindi rin aniya siya kumbinsido na sagot ang parusang bitay para mapigilan ang mga karumaldumal na krimen.