Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Duterte-Carpio na magiging ‘counter-productive’ at babagal ang sistema sa nalalabing tatlong taon ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Iginiit pa ng alkalde na hindi nito maintindihan kung bakit walang pakialam ang mga pabor sa term-sharing sa kahihinatnan ng Kamara.
Nais lamang aniya ng mga ito na magluklok ng bagong House Speaker nang hindi iniisip ang idudulot sa Kamara..
Gayunman, inihayag ni Duterte-Carpio na ang mga mambabatas pa rin ang may pinal na desisyon sa Speakership race.
Matatandaang pumayag ang ruling party na PDP-Laban sa kasunduang term-sharing sa kondisyon na unang mauupo bilang House Spoeaker ang pambato na si Marinduque Rep. Lord Allan velasco.