10 kalsada sa Metro Manila, isasailalim sa road repair sa weekend

Isasailalim sa road repair at reblocking ang 10 kalsada sa Metro Manila sa weekend.

Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), sisimulan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagsasaayos sa mga kalsada simula 11:00, Biyernes ng gabi (July 5).

Narito ang mga apektadong kalsada:

Sa southbound:
– Edsa sa harap ng Guzent Construction Equipment Sales at Rental to Culiat Bridge (ikalawang lane mula sa sidewalk)
– Katipunan Avenue bago ang P. Tuazon Boulevard (ikalawang lane mula sa sidewalk)
– Edsa Magallanes-Baclaran Bus Stop hanggang Magallanes-Alabang Bus Stop (outer lane)
– Edsa Eugenio Lopez hanggang Scout Borromeo
– Edsa Quezon City sa pagitan ng West Avenue at Philam Village

Sa westbound:
– Quirino Highway Kingfisher Street hanggang Primerose Street (ikalawang lane mula sa sidewalk)
– General Luis Street Pascual Street hanggang bago mag-Oriental Tin

Sa northbound:
– C5 Road sa harap ng SM Aura
– Regalado Avenue Mindanao Avenue Extension hanggang Quirino Highway (ikalawang lane mula sa sidewalk)
– Edsa matapos ang Aurora Boulevard (una at ikalawang lane mula sa sidewalk)

Matatapos ang road repair bandang 5:00, Lunes ng madaling-araw (July 8).

Nagpaalala naman ang MMDA sa mga motorista na iwasan ang mga nabanggit na lugar at dumaan sa mga alternatibong ruta.

Read more...