Base sa datos mula sa DOH-Epidemiology Bureau, sa naturang bilang, 20 porsyento o 165 kaso ang may ‘clinical manifestations of advanced HIV infection.’
Bukod dito, may 189 namatay din dahil sa HIV at AIDS at nananatili ang pakikipagtalik ang nangungunang dahilan ng pagkakaroon ng HIV sa 819 kaso.
May lima din na nahawa ng sakit dahil sa paggamit ng infected syringe sa paggamit ng droga, may tatlong kaso naman ng pagkakahawa ng sanggol mula sa kanyang, samantalang may 13 bago kaso ang hindi nabatid ang pamamaraan nang pagkakahawa.
Pinakamarami pa rin sa mga bagong kaso ang naitala sa Metro Manila sa bilang na 271, 137 naman sa Calabarzon, 92 sa Central Luzon, 65 sa Central Visayas at sa Western Visayas naman ay 55.
Sa unang apat na buwan ng taon, nakapagtala ang DOH ng 4,274 bago kaso ng HIV.