Aniya tama lang ang pagbibigay ng Department of Finance (DoF) ng ultimatum sa mga Chinese workers para sa pagbabayad nila ng buwis.
Katwiran ni Recto dapat maayos na makasingil muna ng mga buwis ang gobyerno bago taasan ang sinisingil na buwis.
Dagdag nito kaya naglipana ang mga banyagang manggagawa ditto sa Pilipinas ay dahil nakakalusot sila sa pagbabayad sa buwis.
Hirit pa ng senador dehado na ang Pilipinas sa isyu sa West Philippine Sea kaya’t hindi na dapat pang magpalamang pa sa usapin sa pagbabayad ng mga buwis.
Unang inanunsiyo ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na target nilang makasingil ng P22 bilyon na buwis mula sa mga Chinese nationals at iba pang foreign workers.