Ito ay base sa kanyang obserbasyon na dumadami na ang mga senador na hayagan na ang pagsuporta sa death penalty.
Ngunit nangako si Drilon na lalabanan niya ng husto ang mga pabor para maharang ang mga panukala.
Binanggit nito at base sa mga naglalabasang ulat, 14 senators, sa pangunguna na mismo ni Senate President Vicente Sotto III, ang pabor na muling magpataw ng parusang bitay.
Pagdidiin ng opposition senator dehado ang mga mahihirap sa parusang kamatayan dahil wala silang kakayahan na makapagbigay ng matibay na depensa kapag sila ay naharap sa mga mabibigat na kaso.
MOST READ
LATEST STORIES