Jacky Co binigyan pa ng DoJ ng panahon para sumagot sa P1.8B shabu issue

Binigyan ng DOJ ng hanggang sa susunod na linggo si suspected Chinese drug lord Jacky Co para sagutin ang alegasyon sa kanya kaugnay sa nadiskubreng P1.8 bilyon halaga ng smuggled shabu.

Ito ang napagdesisyunan ng panel of prosecutors sa pamumuno ni Sr. Asst. State Prosecutor Clarissa Kuong sa isinagawang preliminary investigation sa reklamo ng PDEA laban sa 17 respondents, kasama na si Co.

Hindi nakadalo si Co at 15 iba at bagamat sumipot ang respondent na si Jane Abello Castillo, hiniling naman nito na mabigyan pa ng dagdag panahon para makapagsumite ng kanyang sagot sa alegasyon.

Inireklamo ang grupo ni Co ng mga paglabag sa ilang probisyon ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, kasama na ang importation of dangerous drugs.

Magugunita na noong nakaraang Marso 22, narekober ng mga tauhan base sa impormasyon mula sa kanilang mga counterparts sa Vietnam ang pagdating ng shabu sa Manila International Container Port sa Maynila.

Read more...