Most wanted person sa Antique arestado sa Makati City

Timbog ang most wanted person sa Antique sa ikinasang joint police operation sa Makati City, Huwebes ng hapon.

Ayon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), naaresto ang suspek na si June Alexander, 41-anyos, sa bahagi ng P. Victor corner Dagupan Streets sa Guadalupe bandang 4:45 ng hapon.

Nahuli ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inihain ni Hon. Maria Theresa Aldon, presiding judge ng 6th Municipal Circuit Trial Court sa Pandan, Antique noong April 15, 2019.

Ayon sa CIDG, sangkot umano ang suspek sa pagpatay kay Barangay Kagawad Federico Alcoran ng Barangay Bulanao sa bayan ng Libertad taong 2007.

Mahigit 12 taon nang nagtatago ang suspek sa Makati City.

Nakuha mula kay Alexander ang isang caliber 45 pistol, magazine at 25 bala.

Dinala na si Alexander sa CIDG-Anti Organized Crime Unit.

Read more...