Sa inilabas na pahayag, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na bibisita si Locsin sa Vietnam mula July 8 hanggang 9, 2019.
Nakatanggap kasi ng imbitasyon si Locsin mula kay Vietnamese Deputy Prime Minister at Minister of Foreign Affairs Pham Binh Minh.
Sa unang araw sa Vietnam, magkakaroon ng bilateral meeting si Locsin kasama si Minister Phan sa Hanoi para talakayin ang ilang mutual agreement ng Pilipinas at Vietnam.
Habang sa ikalawang araw naman ay bibisita si Locsin sa Embahada ng Pilipinas sa Hanoi.
Ito ay kauna-unahang bilateral visit ni Locsin sa nasabing bansa bilang kalihim ng DFA.
READ NEXT
Dating Mayor Erap Estrada posibleng makasuhan dahil sa hindi pag-turnover ng mga dokumento sa kampo ni Mayor Isko Moreno
MOST READ
LATEST STORIES