Mga biktima ng food poisoning sa kaarawan ni dating Unang Ginang Imelda Marcos ligtas at na-discharge na; 7 pa nananatili sa ospital

Nasa pitong pasyente na lang ang naka-confine sa ospital matapos mabiktima ng food poisoning sa selebrasyon ng ika-90 kaarawan ni dating Unang Ginang Imelda Marcos sa Pasig City.

Nananatili ang mga pasyente sa Pasig City General Hospital (PCGH).

Ani Horacio Apuyan Jr. administrator ng PCGH, inabisuhan ang mga pasyente na manatili sa ospital dahil sa diarrhea.

Ayon naman sa Pasig City Disaster Risk Reduction and Management Office (PCDRRMO), karamihan sa mga biktima ay ligtas na at na-discharge na mula sa iba’t ibang ospital.

Aabot sa 261 na indibidwal ang nabiktima ng hinihinalang kaso ng food poisoning sa birthday celebration na idinaos sa Ynares Sports Complex.

Read more...