2 patay, 1 sugatan sa aksidente sa Zamboanga del Sur

Patay ang dalawa katao habang sugatan ang isa pa sa aksidente sa Pagadian City, Zamboanga del Sur, Huwebes ng gabi (July 4).

Ayon kay Lt. Col. Alvin Saguban, hepe ng Pagadian City police, kinilala ang mga nasawing biktima na sina Aljun Mong

Andales at Bryan Dela Peña habang ang sugatang biktima ay si Roal Villetes Salvador.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, nakasakay ang tatlo sa motorsiklo habang binabagtas ang national highway sa Barangay Balintawak nang bumangga sa isang sasakyan sa North Diversion Road.

Nasawi si Andales, nagmamaneho ng motorsiklo, ilang oras matapos ang aksidente.

Patungo sana ang mga biktima sa bayan ng Dumalinao.

Agad isinugod ng Police Regional Mobile Force Battalion 9 si Salvador sa Zamboanga del Sur Medical Center habang sina Andales at Dela Peña ay sa may Jamellaren Hospital.

Idineklarang dead-on-arrival si Dela Peña pagkarating sa ospital.

Read more...