Mga Pinoy sa L.A. ligtas matapos amg magnitude 6.4 na lindol

Walang Filipino na nasaktan sa magnitude 6.4 na lindol na tumama sa California.

Ayon kay Consul General Adelio Angelito Cruz, sa ngayon walang ulat mula sa Filipino community na mayroong naapektuhang Pinoy sa malakas na lindol.

Mayroong nasa 800,000 na mga Pinoy sa Los Angeles.

Hinikayat naman ni Cruz ang mga Pinoy sa LA na i-download earthquake warning APP na “ShakeAlertLA”.

Ang 6.4 magnitude na lindol ang pinakamalakas na tumama sa California sa nakalipas na 20 taon.

Read more...