Base sa inihaing House Bill No. 76 ni Northen Samar Rep. Paul Daza, nais nitong gawin na administrative proceeding na lamang ang lahat ng adoption cases.
Sa ilalim ng panukala, bibigyang kapangyarihan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mag-isyu ng adoption papers nang hindi na dumadaan sa korte.
Ayon kay Daza, sa ganitong paraan ay makakatipid ang adoptive parents habang magkakaroon ng mas magandang tsansa ang mga bata na nangangailangan ng pagkalinga gaya na lamang ng mga inabandona.
Gayundin, mababawasan anya ang tambak nang kaso sa mga korte.
Sa ilalim ng kasalukuyang batas sa Pilipinas, pahirapan at magastos ang mag-ampon dahil sa mahaba o matagal na proseso.