PNP bukas sa imbestigasyon ng CHR sa pagkasawi ng 3-taong gulang na bata sa buy bust sa Rodriguez, Rizal

Bukas ang Philippine National Police (PNP) sa imbestigasyon ng Commission on Human Rights (CHR) sa pagkamatay ng 3 taong gulang na batang babae sa buy-bust operation sa Rodriguez, Rizal.

Sinabi ni PNP Spokesperson Col. Bernard Banac, marapat lamang magkaron ng imbestigasyon para malaman ang mga sirkumstansya sa insidente lalo at apat na katao ang nasawi.

Maliban sa batang si Myca Ulpina ay nasawi din sa nasabing operasyon sa Barangay San Jose sa bayan ng Rodriguez ang si Police Sr. Master Sergeant Conrado Cabigao, ang drug suspek na ama ni Myca at isa pang kasamahan nito.

Aminado si Banac na ang nangyari ay aksidenteng walang sinumang may gustong mangyari.

Ayon kay Banac kaya nga inalis sa pwesto ang mga sangkot na pulis ay para makapagsagawa ng patas na imbestigasyon.

Pinatawan ng administrative relief ang hepe ng pulis sa Rodriguez at 19 niyang tauhan habang nagpapatuloy ang pagsisiyasat sa insidente.

Read more...