Mga paliparan at pantalan dapat paglaanan ng malaking pondo ng kongreso

Kasunod ng pag-atake ng mga terorista sa bansa gaya ng sa Sulu, hinimok ni PBA PL Rep. Jericho Nograles na buhusan ng pondo ang modernisasyon ng mga paliparan at pantalan.

Ito ayon kay Nograles ay bukod sa pag-amyenda sa Human Security Act.

Paliwanag ng mambabatas dahil sa pagiging archipelagic ng Pilipinas, mahirap bantayan ang mga hangganan.

Dahil anya sa kapos rin sa mga makabagong teknolohiya, nagagawang maglabas-masok ng mga terorista sa airports at seaports.

Kaugnay nito, iginiit ng kongresista na napapanahon nang mamuhunan sa mga teknolohiyang kayang magsagawa ng automatic cross-matching sa database ng mga terorista at international criminals.

Reaksyon ito ng mambabatas sa ulat na posibleng kagagawan ng isang Pilipino at dayuhan ang suicide bombings aa Army Command Post sa Indanan, Sulu kamakailan.

Read more...