Hindi bababa sa 40 mga bahay natupok sa Cavite

Tinupok ng apoy ang hindi bababa sa 40 mga bahay Barangay Talaba VII, Bacoor, Cavite.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog pasado alas 6:30 ng umaga ng Biyernes (July 5).

Umabot sa ikaapat na alarma ang sunog na mabilis kumalat dahil pawang gawa sa light materials ang mga naapektuhang bahay.

Dahil sa nasabing sunog, naapektuhan ang daloy ng traffic sa Aguinaldo Highway.

Alas 7:48 naman ng umaga nang maideklarang under control na ang sunog.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa kung ano ang pinagmulan ng apoy.

Read more...