Sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang pag-iral ng yellow alert ay mula alas 9:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon ngayong araw ng Biyernes (July 5).
Mayroong available capacity sa Luzon na 11,203MW habang ang peak demand ay aabot sa 10,619MW.
Hindi naman inaasahan ang pagkakaroon ng rotational brownout dahil sa yellow alert.
Pero pinapayuhan pa rin ang publiko na magtipid sa paggamit ng kuryente.
MOST READ
LATEST STORIES