Antas ng tubig sa Angat dam nabawasan sa nakalipas na 24 na oras

By Dona Dominguez-Cargullo July 05, 2019 - 08:07 AM

Muling nabawasan ang antas ng tubig sa Angat dam ilang araw makaraang makapagtala ng bahagyang pag-angat sa water level nito.

Sa datos ng PAGASA Hydrology Division, alas 6:00 ng umaga ngayong Biyernes (July 5) nasa 161.69 meters ang water level ng Angat.

Mas mababa kumpara sa 161.86 meters kahapon ng umaga.

Nabawasan din ang Ipo dam na ngayon ay nasa 99.63 meters ang water level.

Gayundin ang La Mesa dam na ngayon ay nasa 72.27 meters ang antas ng tubig.

Nabawasan din ang water level ng lahat ng mga dam sa Luzon.

TAGS: Angat Dam, dam, dam status, water level, Water supply, Angat Dam, dam, dam status, water level, Water supply

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.