8 hikers patay sa flash flood sa Mexico

AFP Photo
Patay ang walong higkers sa naganap na flash flood sa Mexico.

Naglalakad ang mga hiker sa stream ng northern Coahuila state nang biglang rumagasa ang tubig at inanod sila.

Bumilis ang pagtaas ng tubig dahil sa pag-apaw ng rain-collecting tanks sa mga kalapit na kabundukan.

Isa sa mga nasawi ay edad 65 habang ang iba ay nasa pagitan ng 15 at 20 anyos.

Inabot ng mahigit isang araw bago natagpuan ng mga rescuer ang mga inanod na hikers.

Read more...