Ormoc Airport na isinailalim sa rehabilitasyon, pasisinayaan na ngayong araw

Pasisinayaan na ngayong araw ang bagong paliparan sa Ormoc City.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), maseserbisyuhan ng Ormoc Airport ang mas maraming taga-Leyte.

Ang bagong Ormoc Airport ay mayroon nang renovated na Passenger Terminal Building at bagong tayong Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) administration building.

Inayos rin ang runway ng paliparan para sa mas ligtas na biyahe ng mga eroplano.

Mas maayos na rin ang parking area, power supply structure, at air conditioning system para sa mas maginhawang biyahe ng mga pasahero.

Pagsapit naman ng taong 2020, inaasahang matatapos na ang runway widening project sa paliparan.

Sa sandaling matapos ang runway, kakayanin na ng Ormoc Airport na makatanggap ng mas malalaking eroplano.

Read more...