Ayon kay DOH spokesperson Eric Domingo, posibleng maging dahilan ng food poisoning ang pagkain ng basag o biyak na itlog.
“Once ito ay mabiyak, may posibilidad na pumasok ‘yung mikrobyo katulad ng Salmonella at Staphylococcus. Ito ay most common cause ng food poisoning,” ani Domingo.
Ang babala ng ahensya ay kasunod ng tumamang food poisoning sa hindi bababa sa 270 katao na kasama sa mga pumunta sa 90th birthday ni dating First Lady Imelda Marcos sa Ynares Sports Complex sa Pasig City.
Pero sa kabila nito ay sinabi ng ilang tindero na mas gusto ng ilang mamimili ang basag na itlog na P2 hanggang P3 na mas mura kaysa hindi basag na itlog.
Ayon sa DOH, bagamat napapatay ang mikrobyo sa pagluluto ng kontaminadong itlog, pwede pa ring nananatili ang toxins at maaaring maging sanhi ng food poisoning.
“Yung mga toxins na napo-produce kasi kapag ini-ingest, para siyang lason na maaring maka-iritate sa ating intestinal system kaya tayo nagkakaroon ng nagsusuka, at saka nagda-diarrhea,” paliwanag ng Kalihim.