M6.4 na lindol yumanig sa California

(UPDATE) Niyanig ng magnitude 6.4 na lindol ang California, USA pasado ala-1:00 ng madaling-araw sa Pilipinas.

Ayon sa US Geological Survey, naitala ang episentro ng lindol sa layong 12 kilometro Timog-Kanluran ng Searles Valley at may lalim na 8.7 kilometro.

Una nang sinabi ng USGS na may lakas ang pagyanig na magnitude 6.6 ngunit ibinaba ito sa magnitude 6.4.

Ilan sa mga residente ay agad na nagtweet tungkol sa naramdamang lindol na anila ay may kalakasan.

Hinimok ng Los Angeles Police Department ang publiko na agad iulat sa 911 ang mga emergency.

Sa ngayon ayon sa LAPD ay wala silang natatanggap na ulat ng pinsala at anumang tawag ng saklolo sa buong Los Angeles.

Wala ring naging pinsala sa Los Angeles International Airport ayon sa tweet ng paliparan.

Sa bahagi naman ng San Bernardino, sinabi ng fire officials na ilan sa mga buildings at kalsada ang nagkaroon ng sira.

Hindi inaasahan ang tsunami ayon sa National Tsunami Warning Center.

Samantala, naganap ang pagyanig kasabay ng pagdiriwang ng US ng kanilang Independence Day July 4 araw sa Amerika.

Read more...