Pag-endorso ni Duterte ng house speaker hinihintay ng mga kaalyado sa Kamara

Naniniwala si Albay Rep Joey Salceda na Nasa kamay pa rin daw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon sa kung sino ang magiging House Speaker sa 18th Congress.

Dahil dito sinabi ni Salceda na sa huli ay mag-eendorso pa rin ang pangulo ng manok nito sa pagka-speaker.

Paliwanag nito kailangan ng pangulo ang supermajority sa Kamara bagay na hindi mangyayari kung magkakasakitan ang mga kongresista dahil may kanya-kanyang sinusuportahang kandidato sa speakership race.

Para maiwasan ito, mainam anyang ituro na ni Pangulong Duterte kung sino ang gusto nitong maging susunod na lider ng Kamara.

Kumbinsido naman si Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor na hindi talaga si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco ang pambato ng administrasyon.

Patunay anya rito ang biglang pagsulpot ng pangalan nina Davao City Reps. Paolo Duterte at Isidro Ungab.

Read more...