P6 Billion na halaga ng mga kumpiskadong droga sinira ng PDEA

PDEA photo

Sinira at sinunog ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mahigit P6.06 Billion na halaga ng ipinagbabawal na droga, Martes ng umaga, July 4, sa Barangay Aguado, Trece Martirez City, Cavite.

Ayon kay PDEA Director General Aaron N. Aquino, ito ay alinsunod sa  sa batas ng Section 21,

Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Dangerous Drugs Board Regulation No. 1, Series of 2002.

Ang mga sinunog ay kinabibilangan ng 1,405,840.45 grams or 1.41 tons na iba’t ibang klase ng shabu, ecstasy at marijuana, 598 milliliters ng liquid shabu, 1,126.20 milliliters ng gamma butyrolactone (GBL), at 104.43 milliliters ng lidocaine.

Sa pamamagitan ng thermal decomposition o thermolysis at sa init na 1,000 degrees centigrade susunugin o tutunawin ang mga nakumpiskang droga.

Kabilang sa mga susunugin ang mga droga na nakuha na palutang lutang sa karagatan ng Nueva Ecija, Aurora, Quezon, Camarines Norte, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Davao Oriental, Surigao del Norte, Surigao del Sur at Dinagat Islands na umabot ng 276 blocks o 331.066 kilograms ng cocaine na may halagang ₱2.25 Billion.

Samantala, mula July 1, 2016 hanggang kasalukuyan mayroon nang 6.62 tons at 5,610.32 liters ng dangerous drugs na may halagang ₱28.03 bilyong peso ang sinira na ng PDEA

At mula 2008, ang PDEA ay may sinira na o sinunog na may kabuuang 21.03 tons ng solid illegal drugs, at 6,022.15 liters ng liquid illegal drugs na nagkakahalaga ng ₱52.75 Billion.

Read more...