Umabot sa 400 na kilos ng ‘botcha’ o double-dead na karne ng manok ang nasamsam ng Manila City Veterinary Inspection Board (VIB) sa Paco Market.
Ayon kay Dr. Nick Santos, hepe ng food hygiene and regulatory division ng VIB, nagmula ang mga manok sa hindi lisensyadong katayan ng karne sa Las Piñas City at dinala sa Paco Miyerkules ng gabi.
Nagkakahala ang mga karne ng P36,000.
Kasunod nito, nagbabala si Manila Mayor Isko Moreno sa mga tindero na huwag magbenta ng mga ilegal na karne.
Tiniyak din ng alkalde na hindi ito hahayaan ng pamahalaang lokal ng Maynila para protektahan ang mga residente sa lungsod.
MOST READ
LATEST STORIES