Kinilala ng Malate Police Station( PS-9 ) ng Manila Police District ang mga suspek na sina Jon Jon Agustin, 38 anyos, pedicab driver; Raymond Lagunsad, 26 anyos, painter ; at Ernesto Castillo, 41 anyos, walang trabaho at pawan residente ng lungsod.
Nangyari ang pag-aresto sa mga suspek pasado alas 12:30 madaling araw ng Huwebes (July 4) matapos magsagawa ng anti-criminality campaign ang elemento ng Station Drug Enforcement Unit Malate Police Station PS-9.
Narekober sa tatlong suspek ang tatlong sachet ng shabu.
Pansamantalang ikinulong ang mga suspek sa PS-9 custodial facility para sa bookings at documentation.
Mahaharap sila sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Act of 2009.