2 drug suspect patay sa buy-bust sa Laguna

Police banner
Patay ang dalawang drug suspect sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Laguna.

Sa Biñan City, nasawi si Patrick Arcilla sa shootout na naganap alas 4:00 ng madaling araw ng Huwebes (July 4) sa Barangay San Antonio.

Ayon sa ulat ng Calabarzon police nagbenta si Arcilla ng shabu sa undercover police na si Patrolman Alric Natividad pero nang malamang pulis ang katransaksyon ay nagpaputok ito ng baril.

Doon na gumanti ng putok ang police back-up na ikinasawi ng suspek.

Nakuha sa suspek ang P47,600 na halaga ng shabu.

Samantala sa San Pablo City, isang lalaking suspek ang nasawi makaraang manlaban din sa mga pulis.

Ikinasa ang operasyon alas 11:30 ng gabi sa Barangay San Antonio.

Ang suspek ay matagal nang nasa police watchlist dahil sa pagkakasangkot sa kalakaran ng ilegal na droga.

Read more...