Ilang investment firm sa Tagum City kinasuhan ng estafa

Ipinagharap na ng kasong syndicated at large scale estafa ang ilang mga operators ng investment scheme sa Tagum City.

Sinabi ni Tagum City Police Office spokesperson Police Captain Anjanette Tirador, kabilang sa kinasuhan ang operators ng money investment firm na Enco, Titan 29, Questlink Digital, at BCT.

Ayon kay Tirador, desidido ang mga biktima ng nasabing kompanya partikular na yung mga nakapag-invest ng malaking halaga na ituloy ang kaso.

Hinihikayat din ng Tagum City Police ang iba pang mga biktima na dumulog sa kanilang kanilang tanggapan.

Hinihintay na lamang ng pulisya ang magiging desisyon ng korte kaugnay ng kaso.

Read more...