Saleslady sugatan matapos aksidenteng mabaril ng gwardya sa Catanduanes

Sugatan ang isang saleslady makaraang aksidenteng mabaril ng kaniyang katrabahong gwardya sa Virac, Catanduanes.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, isasauli sana ng gwardya na si Eduard Tojon ang kaniyang baril nang aksidente itong pumutok.

Tinamaan ng bala si Darlyn Joy Galicia at nasugatan sa tainga at binti.

Agad namang dinala sa ospital ang biktima, habang ang gwardya ay dinala sa himpilan ng pulisya.

Read more...