Top 1 most wanted arestado ng Pandacan police

Arestado ng Pandacan Police Station ng Manila Police District ang Top 1 Most wanted Person ng Hagonoy, Bulacan Police Station dahil sa kasong murder.

Ang akusado na si Reynaldo Mendoza, 43 anyos na dating kagawad ng Barangay ng San Sebastian, Hagonoy, Bulacan ay nasakote ng mga otoridad sa isang resort sa Las Piñas City.

Nanguna sa operasyon si Police Captain Pidencio Saballo Jr. ng Intelligence Section ng Pandacan PCP na nagresulta sa pagkakadakip ng suspek salig sa mandamiyento de aresto na inisyu ni Judge Hermenegildo C. Dumlao II ng Mololos, Bulacan RTC Branch 81.

Bago maaresto ay isinailalim muna ng mga pulis sa surveillance ang akusado nang matunton ang kinaruruonan nito.

Kasalukuyan nang nakaditine sa Custodial facility ng Police Station-10 si Mendoza habang nakabinbin ang return of warrant of arrest sa korte sa Malolos.

Read more...