Water level ng Angat dam nadagdagan pa

Nadagdagan pa ang water level ng Angat dam sa nakalipas na 24 na oras.

Ayon sa datos ng PAGASA Hydrology, alas 6:00 ng umaga ngayong Huwebes (July 4) nasa 161.86 meters ang water level ng Angat dam.

Bahagya namang nabawasan ang water level ng La Mesa dam na ngayon ay nasa 72.31 meters ang water level kumpara sa 72.35 meters kahapon.

Nabawasan din ang water level ng Ipo, Binga, Magat at Caliraya.

Habang nadagdagan naman ang water level ng San Roque at Pantabangan.

Read more...